Am I Really Over You?

Am I Really Over You?
Lyrics by: Mink, 31.03.09

Am I really over you?
It doesn’t feel so right
When a dream turns into dust
Was goodbye the end of time?
Its unfair you visualize
The word “us” won’t materialize.

The truth? Im holding on
And why? I just don’t know
When you said, we cant avoid…

That I dream of you
While you dream of him
Its typical that love and life are strange
I still dream of you
But I cant pretend
That all along
We don’t belong
Need to move on…

Crying while the storm reigns
Don’t wanna let you know
That its breakin me apart
The time I memorized your face
My eyes see nothin’ but you
But now my visions stopped

I need to be alone
What the heck, all this time I was
Indelible, you are

Yes I dream of you
While you dream of him
Its typical that love and life are strange
I still dream of you
But I need to believe
If theres no you
Dreams will endure
And life goes on

If theres no us
Dreams will endure
And life goes on

A little kindness in the night

The cold metal arms of the silver chair made my hair go straight up as I sit on it, the cold December weather was to be blamed on this. Im not alone inside the coffee shop there were a clique composed of a boy and two of his GFF’s on my right side and presumably a sweet couple of PLU’s on my back. Im definitely alone, well technically I am, but the fluffy STUFF inside the colorful package on top of the table was my lone friend there. Its already dark and getting late, though I haven’t noticed the time because im enjoyin watching people passing by in front of my table, but when stores – other than the coffee shop where I was seated- started to close their lights, a sign that it was really late, I started to get annoyed… still I was patient enough to wait and sit there, to wait for him.

I noticed that the security personnel constantly checks the people around the coffee shop, which by the way was a good thing, I noticed that in the long hours- probably 3, I havent bought anything, which maybe made me look suspicious, so I stood up, grabbed my colorful paperbag, i previously bought at the near department store, and went to the counter to order a hot chocolate drink… to my annoyance, the taste was not at all good – for I am currently working in a chocolate company, so I can really tell, anyhow, I don’t wanna waste my money I tried to drink it all up while waiting…

“15 minutes and im already there…”

This was his message the previous hour, im not complaining at all, it was me on the first place that wanted to meet him, and his place was so far away from the place we would meet so I guess I have no reason to be annoyed.

So there was I seated again on the cold metal piece under a useless umbrella’d table, the colorful paperbag on top of table, me staring at people’s faces as they walk past…

Then there he was, walking towards me, he still wears the same exact face and has the same exact body that made my smile so wide… It was so swift, all of a sudden that smile faded, he was with somebody else, he was with his ex boyfriend, they look so good together. They weren’t holding hands coz Shawn was holding a Fila Box and Andrew was just as eagerly on his side… though they were far away from me, I saw how they disappeared underground using an elevator.

Ouch, I said to my self, I hesistated to call him, I don’t wanna spoil what good chance Shawn has- to gain Andrews trust. This was the chance Shawn was waiting for to prove how much he loves Andrew and im not gonna spoil that, never, eventhough this feeling can kill me, still im Shawns "friendship", a friend who loves him dearly… I suddenly noticed that warm tears are starting to well up on my brown eyes and the clique in front of me was noticing my changed behavior so I twisted my position and secretly wiped the pain away from my eyes… still I waited for him, I already waited for hours and it wont hurt to face a friend who always wanted me to be happy… Do I have to wear a mask in front of him, is this going to be a masquerade?

The bittersweetness of the hot chocolate started to sink in to me, but still the love that I feel inside will always overwhelm that annoying feeling of repulsion and rejection. I waited for them to burst out of the elevator door at any moment, smiling and looking happy, but no Shawn or Andrew came out…

Then all of a sudden from my back Shawn was there smiling, though a little haggard, wearing his white tees and worn out jeans, greeting me A good December night. I was a lil shocked because I never expected him to come from my back…

“I could swear that I saw you going down that elevator holding a Fila shoe box and guess whos with you? Andrew!”

“Talaga?! Its impossible, I came from the MRT station, and I was late, im sorry, nakatulog ulet ako… impossible… but it’s a good sign, sana magdilang anghel ka Mink!”


“The truth is I really saw my Ex, I mean my other Ex boyfriend on the MRT, Angelo, he still looks gorgeous of course, and he gave me this calling card, small world eh, Here take a look…”

i took a small paper from him. Another ouch.

“Kaso ayoko na makipagclose dyan, baka ma inlove ako ulet, but still I do hope the vision that you saw will come to pass, hopin hopin hopin for the best…”

The third ouch…

I invited him for a late dinner at KFC, talked almost about everything, including how I felt for him and his passive response which I could understand, I have to try to understand… While he was talking, I took time to study and memorize every lines of his face, every curve of his muscles and the dimples that accessorize his face. My spirits are lifted whenever im with him that erases all hurt and sorrows in life, I hope he knows how therapeutic his presence means to me…

As the moon rises to the blackened sky, its already time to be separated, he turned his back away from me, just for me to run after him and holler.

“Hey Shawn you forgot this…” me lifting the colorful package and handed it to him…

“Thanks, whats this...?"
"Lets just say, hes a little kindness in the night." I smiled
"you take care ok?.”
"You too... my friend."

He smiled, a little kindness in the night.
He turned his back- no hugs, no kisses, no goodbyes, only déjà vu’s.
I watched as he disappeared from my sight.
How can something so right be so wrong at the same time...?
(he named the cute Teddy bear as "Mike")


Love, cant you see im alone
Can you give this fool a chance
A little love is all I ask
A little kindness in the night
Please don’t leave behind
Please don’t tell me love is blind…
- Ocean Deep, Cliff Richards

But Before You Go

But Before You Go
Music and Lyrics by Mink (written 22.07.07)

You are packing your things
In the room, in our suitcase
You said you’re tired of me
And you need a change of heart

While I sit down on the porch
Still cryin’, still lovin’ you
I know that you are lying
Or its what I wanted to believe

But Before you go…

Chorus 1:
Can you tie my two hands
So they can let you go
I’m sorry I cant help but hold you
Can you shut my two eyes
So tears wont fall down
I’m sorry I cant help but cry…

I learned that you will leave the keys
Of the house and the SUV
You said you don’t need them
And I need to move on

While I still hold on my dreams
I tried to hug you, then kiss you
Even as a sign of goodbye
Indeed, the saddest word in the world

But Before you go…

Chorus 2:
Can you seal my red lips
So I wont beg you to stay
“Baby I need you beside me…”
Can you leave your perfume
So I can smell you everyday
Ill dream of the day…
(The day youll come back to me)


Can you give back the key
Of my heart, it wont open
It seems that you alone can do it
Can you give back my life
It was useless without you
Baby you are my everything…



Naging mission ko mula nung nakabalik ako dito sa ibayong dagat na hindi magtira ng kahit isang pirasong kanin sa platong kinakainan ko, bukod sa nagtitipid, simbolo ng sakripisyo at pagmamahal, kaya kalimitan medyo dramatic lagi kapag kumakain ako. Nasabi ko kasi ansarap ng kain ko kaninang tanghali, napadami nga ang kain ko ng kanin, yun bang tipong hanggang sa kahuli hulihang butil ng kanin kinain ko. Tinext ako ng Inay, kung ano daw ulam ko. Text back ako:

“Corned Beef tsaka ketsup ulam ko, sarap!. Hehe”

Muwal na muwal akong kumakain nang tumawag ang inay ko. Aba aba, maraming load. Naisip ko kagad ang iniisip ng inay, gusto nya akong I cheer up, kasi naaawa yun sa akin pag yun lang kinakain ko, Ang inay talaga, hindi na nasanay sa akin, alam naman nyang sanay sa hirap ang anak nya nag aalala pa.

Marami kaming napag-usapan. Bibili daw ng videoke ang tiyuhin kong taga Germany at gagawing paarkila parang negosyo ba. Mahilig kasi talaga sa musika ang pamilya namin. Tapos si Mandy yung pamangkin ko, hmmm ang term ng inay ko, “NAKAKALOKA” na daw, haha. Base sa translation ng brain ko ang ibig sabihin non, gusto na rin nyang magkaapo. Nasabi din nya na mag-aasawa na ang Ate Nene, 28, sa isang 41 years old teacher din. Ang biro ng Inay “wag na nyang palampasin ito at baka hindi na sya makahanap ng iba…”.

Kilala nya si LUCIAN, yung arabong kaibigan ko. Tinanong nya kung bakit hindi ko na palaging kasama… At ang nakakalokang linya nya:

“Bakit break na ba kayo? Nakahanap na ba ng iba?”

Ang sabi ko na lang, “ibrineak ko na”, sabay tawa.

Naalala ko tuloy ang sinabi Bob Ong:

“Huwag kang malulungkot kung ang taong mahal mo ay hindi ka mahal,
Dahil may nagmamahal sa iyo na hindi mo rin mahal, kaya patas lang…”

At yung text na:

“When somebody doesn’t love you the way you want them to, doesn’t necessarily mean that they don’t love you with all they have…”

Sa istorya kasi namin ni Lucian, may mga string ako na pinutol between us, masakit for him siguro. Pero I have to do that para hindi umaasa, were still friends na hanggang dun lang talaga…

Kumbaga, ang buhay ko dati… nagtatayo ako ng tulay, isang maigting na tulay para sa taong mahal ko, ang tulay na hindi kailanman matatawid ng taong pinaglaanan ko niyon. Mali siguro ang pagkakaintindi ko ng mga bagay bagay dati. Sa ngayon nawawala ang direksyon ng aking kinabukasan, para akong teleponong na ka hang o kaya isang kotseng tumatakbong walang nagmamaneho. Ganun katindi.

Tatlong teka, as in teka teka teka

Medyo napapalayo ako sa topic, hehe

Mabalik tayo sa araw ko.

Paglabas ko ng kwarto, galing sa aking pagmumuni muni, aba aba aba… Tanghaling tapat, pero ang dilim… Ang naaninag ko lang sa bintana ay ang kulay Yellow orange, ang nasambit ko lang ay “Oh God” kinabahan ako akala ko magugunaw na ang mundo… buti na lang nang makalabas ako sa pinto ay isang napakatuminding sandstorm lang pala. Kinabahan ako sobra...

Habang nagtatatakbo ako pabalik sa building na pinagtatrabahuhan ko, at habang winawasiwas ako ng hanging may dalang napakadaming alikabok, hindi ko masyadong makita ang daan, inuubo ako sa tindi ng hagupit ng alikabok sa mukha ko, napupuwing ako at napapapikit sa hapdi na dulot ng lupang nagkaroon ng pakpak. Nasabi ko na lang sa sarili ko na ganito siguro mailalarawan ang estado ng buhay ko ngayon, walang kasiguraduhan, blurred. Ngunit sa kabila ng lahat, sa dako pa roon may isang pigura ng taong naghihintay sa akin, medyo blurry pa nga lang, silhouette ng taong magbibigay muli ng direksyon sa buhay ko. Malamang kakilala ko na siya o isang estrangherong hindi ko pa nakilala, who knows, baka siya na ang sagot sa aking mga dasal… at malay natin baka sabihin nya pag nagkatagpo na kami:

“you are my answered prayer”

Nakow, destiny. J


Sa wakas nakakahinga na ulet ako ng maluwag. After ng pinagdaanan ko ngayong araw, matapos suungin ang napakatuminding sandstorm, isa lang ang masasabi ko:

Masarap mangulangot. Thank God for our Pinkies!

Ang Lalaki sa Ilog

I had a really bad dream kagabi. Hindi ko maintindihan why it was that bad, there is something wrong lang siguro talaga sa paraan kung paano ako mag isip kahapon. Takot na takot ako the moment the nightmare ended. There is something terribly wrong.


Mahina ako sa pag rerecall ng mga panaginip. But as far as I can remember, the dream was about a river, a historical river in the Philippines. May pangalan yung ilog na iyon, hindi ko maalala. Gaya ng isang pelikula, ako ang may hawak ng camera. Mahaba ang ilog, hindi ko binabagtas yun, kumbaga para akong entity lamang na nagoobserba sa kahabaan ng ilog. Napapalibutan ang ilog ng mga puno ng saging at isang uri pa ng puno na hindi ko maalala kung ano, sampalok yata.

Tumigil ang eksena sa isang parte ng ilog, mababaw ang ilog at nasa batuhang gitna ng ilog kami, dumating si Mel Tiangco, at isa pang assistant nya, parang si Vicky Morales ang itsura eh, tapos parang ako ang Cameraman nila. Dito na papasok ang nakakatakot na eksena. Habang kinukunan ko si Mel Tiangco at sa hindi kalayuan ay si Vicky, may isa kasing lalaki na nakatalikod. Alam ni Mel na andun ang lalaki sa likod niya, pero hindi nya pinapansin. Hindi humaharap ang lalaki. Hindi ko nakita ang mukha nya, parang may hawak syang walis, basta parang may hawak sya na baston na hindi ko matandaan o hindi ko Makita kung ano. Inexplore ni mel ang Ilog, documentary program ito. At natapos ang report na hindi lumilingon ang lalaki.

Nagtataka din si Vicky sa eksenang iyon, nung nirereview na nya sa studio yung kuha namin, may napansin syang kaaiba sa mga kable ng kuryente sa tabi ng ilog na katapat ng tubuhan, may off sa eksena, parang may gumagalaw sa kable, dahilan para magiba ito ng position. May kung anumang nilalang yata na nagkukubli sa tubuhan.


At nagising ako na takot na takot.

Ang Keso, Kangkong at Kanton

Antagal ko ring nawala. Namimiss ko ring magsulat, kaso, hindi ako makabuo ng kung anumang dapat mabuo kasi, pag nakaka isang talata na ko binubura ko ulet. Kase puro kasinungalingan lang at kabulastugan ang nasusulat. Kaya itigil na lang at wag nang mag atubili pa. pero mukhang ginaganahan ako ngayon.

Napatunayan ko na mahirap magpanggap na masaya ha, nung panahong malungkot, well lungkot lungkutan pa rin naman hanggang ngayon, pero carry na. yung mga tao na palagi daw nakatawa at pangiti ngiti lang, yun yung mga delikadong tao na dapat layuan, tulad ko siguro,. Mga taong andaming angst na tinatago, ah ewan basta ako, tao lang.

Habang pinagpipira-piraso ko kanina ang mga kesong I tetest ko sa laboratory kanina, putsa naiyak ako. Wala namang kemikal ang kesong iyon na tulad ng sa sibuyas, ano nga ba ulet iyon, Isothiocyanate yata, nalimutan ko na. Nakakahiya, syet , nasa likod ko lang yung kasamahan ko sa trabaho. Isa lang ang masasabi ko si Claudine Baretto ang dahilan.


Bakit nga ba tayo umiiyak? ang isa sa pinakamagandang kasagutan ay yung isang eksena sa LOBO, hinding hindi ko malilimutan. Eksena yun ni Diether Ocampo at nung batang pag laki ay si Agot Isidro na ina ni Angel Locsin. Anyway eto yung gist ng eksenang yun: Aalis kasi at iiwan na ni Diet ang pamilya nya, kasi nga hinahunting sya, tapos nagpapaalam na siya sa anak nya habang umiiyak ang pobreng si Diet, tanong ng anak: bakit daw umiiyak yung tatay nya. Ang sagot: dahil sa sobrang pagmamahal ay hindi na macontain sa katawan kaya lumalabas na lang bilang luha.

yun yun, :(


Eto mabalik tayo kay Claudine. Naiinis ako kay Claudine Barretto ha. Bakit? Hindi isa, hindi dalawa, kundi tatlong beses na nya akong pinaiiyak. Una yung pelikulang ANAK nila ni Ate Vi, syempre todo relate tayo dun kasi nga OFW tayo o yung walang kamatayang sinasabi sa TFC na mga bagong bayani kuno, in fairness isa ako dun. Ikalawa yung Ending ng Got To Believe na hindi ko pa ever napapanood ng buo, puro ending lang naabutan ko, syempre todo cry kasi buti pa sila nagkatuluyan. At ito pa ha, nung isang gabi MILAN naman ang palabas. Talagang Climax kung climax ang drama anthology ng buhay ko. Nakakainis kasi, ayaw ko nang umiyak, kasi ubos, empty, hollow, nada - na ako. Wala nang matitira sa akin, kung iiyak pa ako ng balde balde at wala namang nag iigib “MULA SA POSO” eh saan ako pupulutin, sa kangkungan? In fairness namimiss ko na ang gulay na kangkong.

Habang nag da dayalog si Claudine nang “Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako, o kailangan mo ako kaya mahal mo ako…” syempre todo iyak, with matching labas ang sipon ang pobreng binata. Oh e di iyak kaming tatlo nila Piolo, napahagulgol ako lalo nang napalingon ako sa cabinet ng food supply ko, pusang gala talaga, oo, Pancit Canton na naman ang ulam ko, sambit ko sa sarili ko, choice ko naman na magpakamiserable ang buhay, sanay na sanay na ako mula pagkabata, sus, super hagulgol lang ako kasi, ako na lang ba lagi ang nagbibigay, sila na lang ba lagi ang nangangailangan… Buong buhay ko kaya kong ibigay, at naialay ko na yata talaga lahat, ang mga ibedensya: ang mga pancit canton, butas na bulsa, tuyong luha, nagpapakabatong puso, kumakalam na sikmura, at nagpapakadramang buhay OFW, minsan hindi na ako makahinga.... Pero ok lang, walang dapat ipag alala dahil STRONG ang lolo Mink, hindi ever sumusuko. Nakakapagod lang minsan, pagod na pagod na ako sa pagbibigay ng pagmamahal, ganun pa man hindi ako titigil hanggat may napapasaya ako at natutulungan kasi, ani nga ni Claudine: “Dahil anak ako, kapatid ako, kamag anak ako, Kaibigan ako…” Kailan ko kaya maidadagdag ang linyang “KASI BOYFRIEND AKO”?. Charot.

Balik tayo sa threesome namin nila Piolo at Claudine, Eh di hagulgol ang kawawang mga artista… buti mag isa lang ako sa kwarto at naka lock ang pinto, nakakahiya kaya itsura ko, kaya minsan ayaw kong manalamin, ansagwa kasi, tsaka nahihiya ako sa sarili ko, ayaw kong makita ang sarili ko, kasi baka sampalin ko ang sarili ko bigla. Pero pag napapatitig ako sa salamin minsan, humahaba na kasi ang hair natin lately, kaya kelangan manuklay, yung bang choices mo palagi araw araw eh maging mukhang mangkukulam o magmukhang aswang, no choice talaga. Any how pagtingin ko lagi sa salamin… ibang tao ang nakikita ko. Isang taong malakas, nakangiti, gwapo (naman) at mabait. Hindi ikaw ako, sabi ko sa kaharap ko. Mahina ka kasi uto-uto ka, Plastik kang walanghiya ka kasi hindi mo masabi ang tunay mo talagang nararamdaman. Selfish kang loko ka kasi… kasi… kasi… kasi…- sa palagay ko hindi ka selfish, so erase natin yang linyang yan. Eto na lang - ampanget panget mo, kaya hindi ka magustuhan ni JOE JONAS (ng Jonas Brothers) kahit ipagpilitan mo ang sarili mo, sorry na lang wala talaga, youre so busted.. Hmmp, sabay ismid sa salamin. Syempre ayaw natin ng mga away, away, world peace and love everyone kaya ang slogan natin. So tinitigan ko mabuti muli ang tao sa harap ko, sa kabila ng namumugto nyang mata, at habang inaaninag ko ang kanyang kaluluwa, masaya siya, dahil kapalit ng lahat ng sakripisyo, lahat ng luha… kapalit ng mga namatay kong kuko sa paa at ng mga sugat sa puso, may buhay na nadudugtungan, may nabibigyan ng pag-asa, may mga napapasaya… Gagawin ko naman lahat eh, aakuin ko lahat ng sakit at paghihirap, ibibigay ko lahat, pero tao lang ako, may hangganan din.

Dati nag eexpect ako na may magbibigay din sa akin, ng pagmamahal, siguro mayroon, bukod sa pamilya syempre-given na kaya yon, mayroon siguro, hindi ko lang maramdaman, kaya itinigil ko nang mag expect. Mukhang tumatalab naman ang orasyon ko habang hinihilod ko ang mga bakokang at mga freckles ko sa katawan pag naliligo, na maalis ang damdaming nagpapahirap sa akin, mahirap matanggal, pero slowly but surely... siguro dadagdagan ko pa ng scented candles and banyo.

Pero sa kabila ng lahat ng napagdaanan ko dati, sa kabila ng mga sandamakmak na iniluha ko dito sa Ibayong dagat, sa Yellow Cab, Galleria at Mcdonalds, Town Center. Marami akong natutunan, marami rin siguro akong napatunayan, sa aking pamilya, sa mga kaibigan at higit sa lahat sa aking sarili.

Sabi nga ng kanta:

“What matters most is that you love at all…”


Lord God,

Salamat po ng bonggang bongga kasi binigyan Nyo po ako ng malakas na katawan, maunawaing pag-iisip at mapagmahal na puso. Napakasobra napo kung hihiling pa ako kasi sobra sobra na ang naibigay Nyong biyaya sa akin at sa aking mga mahal sa buhay, pero sana po Lord bigyan Nyo po ng malalakas na katawan at pag-iisip ang mga mahal ko sa buhay. Thank you po sa lahat lahat lahat ng naibigay Niyo po sa akin. Lahat po ng ito ay para sa Inyo Lord.