Ang Keso, Kangkong at Kanton

Antagal ko ring nawala. Namimiss ko ring magsulat, kaso, hindi ako makabuo ng kung anumang dapat mabuo kasi, pag nakaka isang talata na ko binubura ko ulet. Kase puro kasinungalingan lang at kabulastugan ang nasusulat. Kaya itigil na lang at wag nang mag atubili pa. pero mukhang ginaganahan ako ngayon.

Napatunayan ko na mahirap magpanggap na masaya ha, nung panahong malungkot, well lungkot lungkutan pa rin naman hanggang ngayon, pero carry na. yung mga tao na palagi daw nakatawa at pangiti ngiti lang, yun yung mga delikadong tao na dapat layuan, tulad ko siguro,. Mga taong andaming angst na tinatago, ah ewan basta ako, tao lang.

Habang pinagpipira-piraso ko kanina ang mga kesong I tetest ko sa laboratory kanina, putsa naiyak ako. Wala namang kemikal ang kesong iyon na tulad ng sa sibuyas, ano nga ba ulet iyon, Isothiocyanate yata, nalimutan ko na. Nakakahiya, syet , nasa likod ko lang yung kasamahan ko sa trabaho. Isa lang ang masasabi ko si Claudine Baretto ang dahilan.

---

Bakit nga ba tayo umiiyak? ang isa sa pinakamagandang kasagutan ay yung isang eksena sa LOBO, hinding hindi ko malilimutan. Eksena yun ni Diether Ocampo at nung batang pag laki ay si Agot Isidro na ina ni Angel Locsin. Anyway eto yung gist ng eksenang yun: Aalis kasi at iiwan na ni Diet ang pamilya nya, kasi nga hinahunting sya, tapos nagpapaalam na siya sa anak nya habang umiiyak ang pobreng si Diet, tanong ng anak: bakit daw umiiyak yung tatay nya. Ang sagot: dahil sa sobrang pagmamahal ay hindi na macontain sa katawan kaya lumalabas na lang bilang luha.

yun yun, :(

---

Eto mabalik tayo kay Claudine. Naiinis ako kay Claudine Barretto ha. Bakit? Hindi isa, hindi dalawa, kundi tatlong beses na nya akong pinaiiyak. Una yung pelikulang ANAK nila ni Ate Vi, syempre todo relate tayo dun kasi nga OFW tayo o yung walang kamatayang sinasabi sa TFC na mga bagong bayani kuno, in fairness isa ako dun. Ikalawa yung Ending ng Got To Believe na hindi ko pa ever napapanood ng buo, puro ending lang naabutan ko, syempre todo cry kasi buti pa sila nagkatuluyan. At ito pa ha, nung isang gabi MILAN naman ang palabas. Talagang Climax kung climax ang drama anthology ng buhay ko. Nakakainis kasi, ayaw ko nang umiyak, kasi ubos, empty, hollow, nada - na ako. Wala nang matitira sa akin, kung iiyak pa ako ng balde balde at wala namang nag iigib “MULA SA POSO” eh saan ako pupulutin, sa kangkungan? In fairness namimiss ko na ang gulay na kangkong.

Habang nag da dayalog si Claudine nang “Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako, o kailangan mo ako kaya mahal mo ako…” syempre todo iyak, with matching labas ang sipon ang pobreng binata. Oh e di iyak kaming tatlo nila Piolo, napahagulgol ako lalo nang napalingon ako sa cabinet ng food supply ko, pusang gala talaga, oo, Pancit Canton na naman ang ulam ko, sambit ko sa sarili ko, choice ko naman na magpakamiserable ang buhay, sanay na sanay na ako mula pagkabata, sus, super hagulgol lang ako kasi, ako na lang ba lagi ang nagbibigay, sila na lang ba lagi ang nangangailangan… Buong buhay ko kaya kong ibigay, at naialay ko na yata talaga lahat, ang mga ibedensya: ang mga pancit canton, butas na bulsa, tuyong luha, nagpapakabatong puso, kumakalam na sikmura, at nagpapakadramang buhay OFW, minsan hindi na ako makahinga.... Pero ok lang, walang dapat ipag alala dahil STRONG ang lolo Mink, hindi ever sumusuko. Nakakapagod lang minsan, pagod na pagod na ako sa pagbibigay ng pagmamahal, ganun pa man hindi ako titigil hanggat may napapasaya ako at natutulungan kasi, ani nga ni Claudine: “Dahil anak ako, kapatid ako, kamag anak ako, Kaibigan ako…” Kailan ko kaya maidadagdag ang linyang “KASI BOYFRIEND AKO”?. Charot.

Balik tayo sa threesome namin nila Piolo at Claudine, Eh di hagulgol ang kawawang mga artista… buti mag isa lang ako sa kwarto at naka lock ang pinto, nakakahiya kaya itsura ko, kaya minsan ayaw kong manalamin, ansagwa kasi, tsaka nahihiya ako sa sarili ko, ayaw kong makita ang sarili ko, kasi baka sampalin ko ang sarili ko bigla. Pero pag napapatitig ako sa salamin minsan, humahaba na kasi ang hair natin lately, kaya kelangan manuklay, yung bang choices mo palagi araw araw eh maging mukhang mangkukulam o magmukhang aswang, no choice talaga. Any how pagtingin ko lagi sa salamin… ibang tao ang nakikita ko. Isang taong malakas, nakangiti, gwapo (naman) at mabait. Hindi ikaw ako, sabi ko sa kaharap ko. Mahina ka kasi uto-uto ka, Plastik kang walanghiya ka kasi hindi mo masabi ang tunay mo talagang nararamdaman. Selfish kang loko ka kasi… kasi… kasi… kasi…- sa palagay ko hindi ka selfish, so erase natin yang linyang yan. Eto na lang - ampanget panget mo, kaya hindi ka magustuhan ni JOE JONAS (ng Jonas Brothers) kahit ipagpilitan mo ang sarili mo, sorry na lang wala talaga, youre so busted.. Hmmp, sabay ismid sa salamin. Syempre ayaw natin ng mga away, away, world peace and love everyone kaya ang slogan natin. So tinitigan ko mabuti muli ang tao sa harap ko, sa kabila ng namumugto nyang mata, at habang inaaninag ko ang kanyang kaluluwa, masaya siya, dahil kapalit ng lahat ng sakripisyo, lahat ng luha… kapalit ng mga namatay kong kuko sa paa at ng mga sugat sa puso, may buhay na nadudugtungan, may nabibigyan ng pag-asa, may mga napapasaya… Gagawin ko naman lahat eh, aakuin ko lahat ng sakit at paghihirap, ibibigay ko lahat, pero tao lang ako, may hangganan din.

Dati nag eexpect ako na may magbibigay din sa akin, ng pagmamahal, siguro mayroon, bukod sa pamilya syempre-given na kaya yon, mayroon siguro, hindi ko lang maramdaman, kaya itinigil ko nang mag expect. Mukhang tumatalab naman ang orasyon ko habang hinihilod ko ang mga bakokang at mga freckles ko sa katawan pag naliligo, na maalis ang damdaming nagpapahirap sa akin, mahirap matanggal, pero slowly but surely... siguro dadagdagan ko pa ng scented candles and banyo.

Pero sa kabila ng lahat ng napagdaanan ko dati, sa kabila ng mga sandamakmak na iniluha ko dito sa Ibayong dagat, sa Yellow Cab, Galleria at Mcdonalds, Town Center. Marami akong natutunan, marami rin siguro akong napatunayan, sa aking pamilya, sa mga kaibigan at higit sa lahat sa aking sarili.

Sabi nga ng kanta:

“What matters most is that you love at all…”

---

Lord God,

Salamat po ng bonggang bongga kasi binigyan Nyo po ako ng malakas na katawan, maunawaing pag-iisip at mapagmahal na puso. Napakasobra napo kung hihiling pa ako kasi sobra sobra na ang naibigay Nyong biyaya sa akin at sa aking mga mahal sa buhay, pero sana po Lord bigyan Nyo po ng malalakas na katawan at pag-iisip ang mga mahal ko sa buhay. Thank you po sa lahat lahat lahat ng naibigay Niyo po sa akin. Lahat po ng ito ay para sa Inyo Lord.

---

5 comments:

“Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako, o kailangan mo ako kaya mahal mo ako…”

Naalala ko, ito ang linya na binanggit mo sa akin noon. :)

Sino ba yang nagpauso ng salitang Bonggang-Bongga, kay Wanderer ko unang narinig yan ah.

 

Hala, hindi ko naman sinasabihan si mink ng bonggang bongga eh. baka narinig niya kay dabo o kay grip.


ako din mink, it was nice meeting you the last time. sayang hindi kita nakantahan ng bonggang bonggang kanta ni roselle nava na dahil mahal na mahal kita... hahaha. peace!

sisihin mo si dabo! hahaha

 

Hi Mink. Na-miss kita ng bonggang bongga. Lol

 

shet, kakaloka naman ang drama mo kapatid! relax lang, look on the positive side always. deep down, you know the reason for your sacrifices and i'm sure you wouldn't have returned to your job there if not for a good reason or reasons...

syempre iba talaga pag andun, and i have no such experiences of living overseas to have the authority na payuhan ka, pero i know for a fact praying works, and of course connecting with people (nokia ikaw ba yan?) despite the distance, at tulad ng nasabi ko always look on the bright side. life is never perfect, like the line from one of my favorite books:

"I never promised you a rose garden. I never promised you perfect justice . . . and I never promised you peace of happiness. My help is so that you can be free to fight for all of those things. The only reality I offer is challenge, and being well is being free to accept it or not at whatever level you are capable. I never promise lies, and the rose-garden world of perfection is a lie…”

odiba bongga?!

 

alam mo kung anong masasabi ko? mahal kita! sobra! deadma nalang sa mga "hindi nagbibigay"

at tama ka, marami din ako natutunan sa "town center"

bonggang bongga ka! ;) *akap na super higpit*

gets mo na kaya kung sino ako? haha! miss kita! uber!

 

Post a Comment