I had a really bad dream kagabi. Hindi ko maintindihan why it was that bad, there is something wrong lang siguro talaga sa paraan kung paano ako mag isip kahapon. Takot na takot ako the moment the nightmare ended. There is something terribly wrong.
---
Mahina ako sa pag rerecall ng mga panaginip. But as far as I can remember, the dream was about a river, a historical river in the Philippines. May pangalan yung ilog na iyon, hindi ko maalala. Gaya ng isang pelikula, ako ang may hawak ng camera. Mahaba ang ilog, hindi ko binabagtas yun, kumbaga para akong entity lamang na nagoobserba sa kahabaan ng ilog. Napapalibutan ang ilog ng mga puno ng saging at isang uri pa ng puno na hindi ko maalala kung ano, sampalok yata.
Tumigil ang eksena sa isang parte ng ilog, mababaw ang ilog at nasa batuhang gitna ng ilog kami, dumating si Mel Tiangco, at isa pang assistant nya, parang si Vicky Morales ang itsura eh, tapos parang ako ang Cameraman nila. Dito na papasok ang nakakatakot na eksena. Habang kinukunan ko si Mel Tiangco at sa hindi kalayuan ay si Vicky, may isa kasing lalaki na nakatalikod. Alam ni Mel na andun ang lalaki sa likod niya, pero hindi nya pinapansin. Hindi humaharap ang lalaki. Hindi ko nakita ang mukha nya, parang may hawak syang walis, basta parang may hawak sya na baston na hindi ko matandaan o hindi ko Makita kung ano. Inexplore ni mel ang Ilog, documentary program ito. At natapos ang report na hindi lumilingon ang lalaki.
Nagtataka din si Vicky sa eksenang iyon, nung nirereview na nya sa studio yung kuha namin, may napansin syang kaaiba sa mga kable ng kuryente sa tabi ng ilog na katapat ng tubuhan, may off sa eksena, parang may gumagalaw sa kable, dahilan para magiba ito ng position. May kung anumang nilalang yata na nagkukubli sa tubuhan.
---
At nagising ako na takot na takot.

0 comments:
Post a Comment