Sabi ni Idol, maswerte raw ang mamahalin ko kasi binibigay ko daw lahat kahit wala nang natitira. Nakakakwentuhan ko kasi siya malimit tungkol sa buhay buhay at malamang sa hindi, tungkol sa lovelife ko ang topic. Sa totoong buhay dalawang beses pa lamang ako umibig ng todo.
Yung una, ikakasal na siya ngayong Abril. Siya ang naging, kumbaga, “ideal” para sa akin, unless otherwise hindi nya ka level, lahat ng aspeto ng pagkatao, hindi ako mahuhulog at magkakagusto basta basta. Matagal kong nilihim sa kanya ang pag – ibig na iyon, para lamang I reject, at muling bigyan ng pag-asa, at para lamang I reject ulit. Hanggang sa nagsawa na akong magbigay ng pagmamahal, napapagod din pala ang puso.
Si ikalawa, kabaliktaran sya ni una. Mahirap maipaliwanag pero may malaking pagkakaiba sa kanilang dalawa. Pero doble ang pagmamahal ko kay ikalawa. Love at first sight ang nangyrai sa amin ni Una, pero kay ikalawa, gradwal ang proseso, pero mas intense habang nagtatagal. Kay ikalawa ko tinupad ang pangakong hindi kailanman siya mag-iisa, at yun nga naman ang nangyari. Ngunit, mahal na mahal niya ang isa ko ring kaibigan. At sa hinaba haba ng pagsasama namin ni ikalawa, alam ko sa KANYA lamang siya liligaya. Alam ko simula palang ng laban talo na kagad ako. Hindi naman sa panalo at talo yun eh, "its how you play the game...". Kay ikalawa, nabago ang takbo ng buhay ko, sabihin lang niyang manatili na lamang ako sa Pilipinas, gagawin ko.
Pero hanggang kailan ba ako magbibigay ng pagmamahal, paubos na kasi ang tubig sa malalim kong balon?
Mukhang galit si Una sa akin, kasi, inaasahan niya akong tutulungan siyang mapaganda ang kasal nila ng kanyang kabiyak. Si ikalawa, ibibigay ko ang lahat, kahit walang kapalit. Natanong ko tuloy sa sarili ko, ako na lang ba lagi ang nagbibigay ng pagmamahal? Nakakapagod din pala, hindi ba nila naisip kung gaano sila kaswerte, tulad nga ng sabi sa akin ni IDOL parati.
Pero paano naman ako, kung ubos na ang tubig sa balon ko? Matutuyo ako, sino naman kaya ang magpupuno ulit noon…?
Kahit gaano man katagal ang paghihintay ko, kung talagang itim ang uwak, hindi na ito magiging puti. Sabi ko nga kay Idol dati, hinihintay ko ang panahong haharap ako kay ikalawa na hindi na siya ang laman ng puso ko. Nahirapan kasi akong tagpian ang butas na ginawa ni UNA sa puso ko, at mukhang mahihirapan na naman akong pasakan ang bagong butas sa madugong laman na nasa dibdib ko.
Pero sa dulo ng daang tatahakin ko, ang tangi kong pangarap lamang ay Makita siyang masaya at ligtas. Ok na akong nakamasid sa kanya habang tumatawa kasama ng taong tunay niyang mahal.
Alam ko madrama na naman ako. Palagi naman. Naisip ko lang yung sinabi ni Idol, maswerte nga ba sila sa akin o malas lang ako at sila ang minahal ko…?
I think im ready to move on…
“Thank you for everything, you changed my life… Tsaka what I feel for you is a very special love… Yakk ang korni! Hehe”
-Mink to ikalawa
4 comments:
hmmm... masasabi ko rin ang title ng post na 'to
"i'll never be the same again..."
sex is all that matters. period. ^^
I still thrill over the birthday text.
Now show me some lovin and vote for me fpr RBP's Blog of the week for week 7.
http://www.rainbowbloggers.com/
Move on, Mink. You are right, everything has an end, at mapapagod ka na rin in the end.
Love yourself before others can love you.
Subukan mo kaya na huwag magpagamit kaibigan. Isang bagay na natutunan ko, hangga't maasahan ka ng taong minamahal mo, nauuwi kang unappreciated sa huli. Yun siguro ang dahilan kung bakit hindi mo makita ang iyong hinahanap na pag-ibig.
Post a Comment